top of page
Sunflower, galing sa mga salitang sun o araw na sumisimbolo sa 
pag-asa at flower o bulaklak na sumisimbolo naman sa babae. Ang 
tauhan ay mahilig sa sunflower. Hindi niya akalain na ang bulaklak 
na ito ay magdadala sa kanya ng isang mensaheng babago sa 
kanyang buhay. Tulad ng sunflower, siya kaya�y makatatayong muli 
at mananatiling malakas sa harap ng hamong kanyang kinakaharap? 
Tulad ng sunflower na inilalagay ang sarili sa posisyon kung saan 
direkta nitong natatanggap ang enerhiya ng araw, siya kaya�y titingala 
upang matanggap naman ang Kanyang mga pagpapala? Patuloy ba 
niyang hahanapin ang liwanag sa kabila ng sitwasyon? Magninilaynilay 
ba siya o tatanggapin na lamang na sadyang ganito ang buhay, 
masalimuot? Lalaban pa ba siya? Tulad ng sunflower na isang happy 
and bright color, ika nga sa Ingles, maririnig pa kaya natin ang 
kanyang muling paghalakhak sa gitna ng landas na kanyang tinatahak? 
God enjoys encouraging us through things in his creation, and 
sunflowers are certainly no exception. Growing from a small seed, 
they show how mighty a little faith can become. Their constant 
pursuit of the sun is a good reminder to continually seek the Son, 
Jesus, during our days. And, bursting with glorious color, they implore 
us to share our own contributions with the world. - Jamie Trunnel 
And, bursting with glorious color, they implore us to share our own 
contributions with the world� ang limang akda na matatagpuan sa 
aklat na ito ay kontribusyon naman ng may-akda bilang isang guro. 
Patuloy na magsasabog ng karunungan sa kanyang mga mambabasa 
gamit ang kanyang panulat. Ito ay regalo na niya sa kanila. Maligayang 
pagbabasa!

Sunflower

₱357.00Price
  • Nadia L. Santos
  • All items are non returnable and non refundable
bottom of page