Muli akong nahimbing sa silid ng aking sariling mundo at kasabay sa pag-agos ng mga panaginip ako�y dinala sa isang mundong nababalot ng hiwaga. Aking nasilayan ang bawat kuwentong sa lipunan ay aking nakita at muli akong namulat ng aking masulyapan ang init na dala sa loob ng aking isipan na siya ring naghatid ng liyab sa aking katawan. Naging tinta ng aking sagradong pluma ang mga kuwentong aking nasilayan. Naging mapangahas man ako sa aking mga hinabing mga kataga, subalit ang bawat mga tulang dinungisan ng liyab na may halong pantasya ng katawan at may mga paksa ng sekswal ay nagnanais na magbukas ng mga saradong kaisipan at magbigay ng init para sa mga nauuhaw na mga katawan. Dahil sa magulo kong kaisipan at dulot sa mga kuwentong aking nasulyapan sa lipunan ako'y humantong upang mabuo ang isang aklat na may temang hindi naaayon sa karamihan. Ang aklat na ito ay pinamagatang �Sins of the Flesh� o �Mga Kasalanan ng Laman� ay isang aklat na binubuo ng iba't-ibang mga tula na may iisang nais ihatid subalit umaapaw sa pantasya at sekswal. Ninanais nitong maghatid ng init para sa bawat mga matatapang na mambabasa na nais malasap ang mga tulang aking nilinang.
Sins of the flesh
₱408.00Price
- Danilo Manuel Matias
- All items are non returnable and non refundable