top of page
Isang mayuming dalaga na nagngangalang Mona De la Fuente na minsang umibig sa binatang negosyante na si Simeon Soledad. Naging magkasintahan sila sa maikling panahon at ang tanging tumututol sa kanilang pagmamahalan ay ang nakatatandang kapatid ni Mona na si Gregorio. Sa matamis na pagmamahalan nilang dalawa ay napalitan ng kalungkutan. Nalugi ang pagawaan ng muwebles ni Simeon at tumulak papuntang Amerika. Labis na nadurog ang puso ni Mona, umasa siyang babalik pa ito ngunit maraming taon ang lumipas ni isang sulat o kahit tawag ay walang natanggap. 
Noong sinakop ng mga hapon ang Maynila ay namatay ang mga magulang ni Mona dahil sa pambobomba. Nakaligtas siya at ang kanyang kuya Gregorio, nanirahan sila sa kagubatan. Nakilala nila si Leonardo na isang pintor at kasapi ng Guerilla, kalaunan ay umanib din si Gregorio sa pag-aaklas laban sa mga hapon. Umibig si Leonardo kay Mona ngunit sinabi ng dalaga sa binatilyo na may iba na siyang minamahal. Namatay si Leonardo matapos barilin ni Lieutenant Hikorio na siya namang nakilala ni Mona noong madakip at mabilanggo sa Fort Santiago. Umibig si Hikorio kay Mona at tinulungan na makalaya subalit sila'y nabigo. Pinarusahan ng kamatayan si Hikorio at pinahirapan naman si Mona. Taong 1945, ang Battle of Manila na isa sa mapangwasak na digmaan sa kasaysayan. Nagawa ni Mona na makatakas sa Fort Santiago ngunit makakawala ba siya sa puwersa ng mga hapon? Sino ang magbabalik upang iligtas siya sa kamay ng mga kaaway?

Sa Patak Ng Luha

SKU: 9789356452015
₱357.00Price
  • Glenn Arroyo
  • All items are non returnable and non refundable
bottom of page