top of page
Si Myfanwy Montana ay isang aktres na gumaganap sa papel na Elena Riggs sa seryeng My Husband is a Woman. Nakararanas siya ng Charles Bonnet Syndrome na nauugnay sa panlalabo ng paningin. Ito ang dahilan kung kaya nahihirapan siyang kumbinsihin na may taong may nagtatangka sa buhay niya na kung tawagin ay Asbo! Isang nilalang na nagsusuot ng maskarang kikik at damit na gawa sa lambat upang ipaalala sa kanya ang bangungot noong kabataan niya. Matapos ang mahabang taping day ay nakatulog si Myfanwy ng mag-isa sa kanyang silid hanggang sa maalimpungatan siya nang maaninag ang mukha ng Asbo na handa na siyang saktan. Nanlaban siya ngunit sadyang malakas ang Asbo at nawalan siya ng malay sa isang pag-atake lamang. Nagising na lamang siyang nagsisigaw sa piling ni Morris na kanyang kinakasama. Ipinagtapat niya kay Morris na pinagtatangkaan siya ng Asbo. Ngunit dahil sa kawalan ng katibayan at sa dinaranas niyang hirap upang paghiwalayin kung ano ang realidad at kung ano ang guni-guni ay hindi agad siya pinaniwalaan ng kanyang kinakasama. Ayon naman kay Simeon Ulisses, ang doktor na kapareha niya sa serye ay maaaring ang mga guni-guni niya ay bunga lamang ng nagbabagong hormones kaugnay sa kanyang pagbubuntis.  Bukod sa Asbo ay nagpapakita rin sa kanya ang multo ng ikugan na pinaniniwalaang pumaslang sa kanyang lolong mananalaysay at ang multo ng babaeng dugu-duguang nagbibigay babala sa kanya. Hanggang sa dumating sa puntong binubulabog na ng nilalang na iyon ang tahimik nilang pamumuhay sa set ng kanilang soap opera.

Red Herring (Panlinlang na bakas)

₱459.00Price
Quantity
  • Lyle Mario P. Laynesa
  • All items are non returnable and non refundable
bottom of page