Si Atty. Agatha Louise Palma, 26, manunulat, dating aktibista at aktibong organisador noong kolehiyo ay nagbalik Pilipinas buhat ng limang taong pag-aaral ng pagkaabogasya sa Amerika, upang magbigay ng libreng serbisyo at dahil malaking bahagi ng sarili niya ay pilit niya pa ring hinahanap. Nakatagpo niyang muli si Claveria ‘Sol’ Soledad, 26, pintor, hayag na tibo, isang higit pa sa kapanalig sa kaniyang adbokasiya para sa mga kababaihan at LGBTQIA+ limang taon na ang nakararaan ay nasangkot sa pornograpiya at prostitusyon. Waring nalimutan na ng dalawa ang daan tungo sa isa’t isa. Si Agatha lamang ang matatakbuhan nila Sol at ng mga babaeng biktima ng eskandalo. Pipiliin niya ba itong isalba at makikipagtulungan ba siya kung si Sol ang mitsa ng unang beses na pagkaligalig ng kaniyang sekswalidad na nililihim niya noon pa? Ang pagsasamang winasak ng masalimuot na lipunan limang taon na ang nakalilipas, ay handa na ba muling makibaka para sa isang pangarap na bukas?
Ang Nangangako ang Bukas ay unang nobela ng may-akda na nagpapamalas ng mga sala-salabat na suliraning patuloy na dinadanas ng Kababaihan at ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, Queer, Intersex, Asexual atbp. (LGBTQIA+) sa pamilva, paaralan, trabaho, relihivon, midva, kultura at lipunan. Maingat nitong tinalakay ang hitik na kontradiksyong pumipiglas sa pag-ibig ng dalawang nilalang na noon ay nawasak ngunit susubok muli.
Sa Pilipinas, ang komunidad ng LGBTQIA+ ay sektor ng lipunan na napag-iiwanan para sa mga karapatan at ganap na pagtanggap. Kaugnay nito ang Kababaihan ay nananatiling bulnerable sa isang macho-patriyarkal na bansa. Alay ng may-akda ang nobela sa lahat ng indibidwal at organisasyong naniniwala, nagtitiwala at kumikilos para sa panlipunang pagbabago. Layon nitong mapalaya ang ating mga isip at puso sa kasalukuyang paniniwala at sistemang nagnonormalisa ng diskriminasyon, karahasan at inhustisya laban sa Kababaihan at LGBTQIA+ mula sa pang-araw araw na pamumuhay at pagdanas ng buhay sa tirahan, paaralan, trabaho, simbahan hanggang sa ilalim ng batas.
Ginawaran ito ng ikatlong karangalan sa unang taon ng Normal Awards for Gender-Inclusive Literature 2021 para sa kategoryang Nobelang Pangkabataan. Ang paligsahan ay itinaguyod ng Philippine Normal University - University Center for Gender and Development upang isulong ang kamalayan, inklusyon at pangkasariang pagkakapantay-pantay gamit ang panitikan at pagsulat. Ang akda ay binubuo ng sampung kabanata at rekomendado para sa mambabasang edad 13-18.
Nangangako ang Bukas
- Maria Jamaica S. Columbres
- All items are non returnable and non refundable