Isip, puso at damdamin ang puhunan upang makabuo ng isang tulang iniayon sa kariktan. Sa bansang Filipinas, nananatiling mayabong ang bilang ng mga makatang nagpapalaganap, tumatangkilik at umaakay sa pagpapayabong ng panulaan bilang isang midyum ng sining. Hayagang ipinapakita na sa pagsusulat ng mga tula, mabisang naisasalarawan ng isang makata ang mga nakakubling kaisipan at diwang nais niyang iparating, kung saan ang mga larawang naging bahagi ng kaniyang mga panulat ay maaring nahagip na ng paningin sa nakaraan o kaya�y hindi pa naaaninag at kailangang ipinta pa sa isip ng mga mambabasa sa hinaharap. Sa huli ay masaya pa rin ang pagsusulat ng tula, lalo na�t kung ito�y tunay na isinasapuso. Ang aklat na ito na pinamagatang �Naglalakbay din ang Aking mga Tula sa Mundo ng Kariktan� ay isang pagtatangka ng makata na maipinta sa isip ng mga mambabasa sa pamamagitan ng kaniyang makulay na panulat ang mga natatagong kariktan ng buhay. Tampok sa aklat na ito ang dalawang koleksyon ng mga tulang naglalaman ng mga tulang makabuluhan at salaminan ng buhay sa ibabaw ng lupa, mga tulang inilakbay sa malalayong panahon, mga tulang nagsilbing tulay tungo sa iba�t ibang emosyong naging bahagi na ng istruktura ng kaluluwa, mga tulang naging tahanan na ng mga damdaming naligaw at mga tulang naging payapang kanlungan ng mga kaluluwang hindi nailahad ang kanilang mga pangarap at lihim sa mundo. Ang unang koleksyon sa aklat na ito ay pinamagatang �Mga Tulang Naligaw sa Kariktan ng Nayon: Isang Koleksyon ng mga Tula� na binubuo ng 20 tula at ang ikalawang koleksyon naman ay pinamagatang �Ang Guryon ng Batang Pipi at Iba pang Tula� ay binubuo ng 17 tula. Ang mga tulang kabilang sa aklat na ito ay isinulat ng makata sa iba�t ibang panahon at pagkakataon na katas ng kaniyang malawak na karanasan sa buhay at paglalayag niya sa mga pinahahalagahan niyang paniniwala, pilosopiya at prinsipyo. Nawa�y maibigan ng bawat mambabasa ang mga tulang kabilang sa aklat na ito at makapaghatid ng malalim na kakintalan sa puso at isipan ng bawat isa. Patunay lamang na ang mga tulang isinulat ng makata sa aklat na ito ay nakapaglalakbay rin sa mundo ng kariktan, isang marikit na anyo ng sininig, isang espesyal na handog para sa lumalaganap at tumitingkad na panitikang Filipino ng bansa. Maligayang pagbabasa po sa inyong lahat.
Naglalakbay din ang Aking mga Tula sa Mundo ng Kariktan
₱357.00Price
- John Harold O. Francisco
- All items are non returnable and non refundable