top of page
Ako si Janelle Trinidad, Isang masalimuot na pamumuhay ang aking nararanasan sa probinsiya ng Neuva La Paz. Sapagka�t anak-mahirap. Walang trabaho ang hindi ko inuurungan. Lugmok ako sa kahirapan simula nang umalis si Ate Jelai. Pinasan ko ang responsibilidad bilang pangalawang anak ni Tatay Julio. Kaliwa�t kanan ang aking utang upang mapagtapos sa pag-aaral si Jasmine habang ipinagagamot ko ang natamong sugat ni Tatay dahil sa isang aksidente. Kailangan ko iyon mabayaran kung kaya�t hindi na ako nagdalawang-isip at tinanggap ang isang kumplikadong trabaho sa isang anak-mayaman na nakatira sa aming bayan. Ngunit isang bangungot ang gigising sa aking natutulog na puso nang magkakilala kami ni Senyorito Laurence Grandeza.
Siya ang nag-iisang anak nina Donya Lucille at Don Gregorio. Pribado ang kaniyang buhay at ayon sa aking pagkakaalam, siya�y isang mabuting amo at may malasakit kahit kanino. Ngunit isang masalimuot na kwento ang nasa likod ng kaniyang mga ngiti.
Magpapakasal na sana sila ng kaniyang kasintahan na si Suzanne Simon ngunit naudlot iyon nang malaman ni Senyorito ang isang katotohan sa likod ng kanilang pagmamahalan. Hindi niya matanggap ang pagtataksil ng mapapangasawa at isang aksidente ang labis na maglulugmok sa kaniya, sa kalungkutan. Tinalikuran niya ang lahat at ang karangyaan upang ubusin ang oras sa loob ng silid. Naging bisyo niya ang pag-inom ng alak at paninigarilyo. Dahilan rin iyon upang lubusan ko siyang makilala.
Sa kabila ng kaniyang kapansanan at pagkukulang bilang isang lalaki, minamahal ko na siya. Nahuhuli ko ang aking sarili na nahuhulog ang loob sa kaniya.
Kami nga ba ang para sa isa't isa?

My Senyorito's Wild Obsession

₱816.00Price
  • SimplyMarjo
  • All items are non returnable and non refundable
bottom of page