Sa ikalawang libro na ito, mas mabigat na ang panulat, mas buo ang tinig, at mas handa na siyang masaktan kapalit ng katotohanan. Dahil sa huli, hindi lang ito tungkol sa pagsulat ng tula kundi sa paniniwalang may makikinig pa rin, kahit mas tahimik na ang mundo, kahit madalas ay hindi binibigyang pansin ang mga sugat na sinulat sa papel, kahit ang tinig ng makata ay nalulunod na sa ingay ng mga bagay na walang saysay, at kahit pa ang mga salitang isinulat ay tila hindi sapat upang ipagtanggol ang sarili sa harap ng paglimot ng marami. Ito ang paglimbag na hindi lang para sa mga mata, kundi sa kaisipang pagtuklas sa mas malalim pang mundo at sana, sa tahimik mong pagbabasa, marinig mo pa rin ang daing at sigaw.
Kamakailan Lang Naniniwala Ako
₱408.00Price
- Krisha Mae Mikko B. Balucay
- All items are non returnable and non refundable

