ANG IKA-5 NA AKLAT NG MGA MALALASWANG TULA NI W. J. MANARES Ang BLAT: Bakit Lagi Akong Tahimik ay isang koleksyon ng 21 na tulang erotiko tungkol sa mga lihim na bahagi ng pag-ibig - kung saan nagtatagpo ang kabanalan at pagnanasa, at ang mga katotohanang bihirang ibunyag ay matutunghayan. Bawat isa ay tumatalakay sa kumplikadong larawan ng senswal na ugnayan, tinutugunan ang mga hindi napag-uusapang hamon tulad ng kalibugan, kahayukan, lihim na kawalan ng sekswal na kumpiyansa, at ang mga hindi pa nararating sa larangan ng sekswalidad na hindi ibinabahagi sa mundo. Ang mga tula ng kalibugan ni W. J. Manares ay nag-uugnay sa pisikal na damdamin, laman, at malalalim na kahulugang emosyonal, kung saan ang libog ay hindi lamang sensasyon kundi isang wika na ginagamit para maunawaan, gumaling, at harapin ang sensitibo ngunit magandang katotohanan ng buhay. Mula sa tahimik na panggigigil hanggang sa eksplosibong paraan ng paglalabas ng tensyon, ang koleksyon ay naglalantad ng tunay na diwa ng kahalayan. Katulad noong nakaraang mga aklat na bahagi ng serye, lubos pa rin itong ipinagbabawal hindi lang sa mga bata, kundi lalung-lalo na sa mga isip-bata. Abangan ang susunod na kabanata: BURNIK
BLAT
₱408.00Price
- W. J. Manares
- All items are non returnable and non refundable

