top of page
Tatlong taon matapos iwan ni Jameson Reyes ang buhay niya bilang anonymous writer na kilala online bilang Broken Compass, natutunan na niyang mabuhay sa survival mode.
Night shift sa call center. Bills. Padala sa pamilya. Responsibilidad na hindi puwedeng ipagpaliban.
Dreams and love? Apparently, pang-mayaman na luho na lang.
Hanggang sa dumating si Atlas Alvez.
Isang lalaking may sariling baggage dahil sa family expectations, si Atlas ay hindi lang naging unexpected roommate ni Jameson, kundi co-worker, kaibigan, at unti-unting naging comfort person niya. Sa shared meals, madaling-araw na kwentuhan, sabay na biyahe, kape na kabisado na ang timpla, at mga random domestic moments na hindi naman dapat espesyal, may isang bagay na dahan-dahang nagbabago.
Friendship becomes something more. Something neither of them can keep denying.
Pero hindi madaling mahalin ang isang tao kapag pareho kayong may mundong kailangang protektahan.
Nang ang kanilang relasyon ay mapansin ng ibang tao, nagsimulang mag-collide ang responsibilidad ni Jameson bilang breadwinner at ang mga problemang matagal nang kinakaharap ni Atlas sa ilalim ng pangalan ng kanyang pamilya.
At habang mas lumalalim ang kanilang relasyon, isang katotohanan mula sa nakaraan ang muling lilitaw�ang identity ng writer na minsang naging inspirasyon ni Atlas. Isang taong matagal nang iniisip ni Atlas na hindi na niya muling makikilala. At isang katotohanang maaaring magbago sa paraan ng pagtingin niya kay Jameson.
Dahil minsan, ang pinakamahirap na kuwentong isulat ay hindi tungkol sa pag-ibig. Kundi tungkol sa pagpili sa sarili kapag buong buhay mong natutunang unahin ang iba.
At minsan... ang pinakamagandang love story ay nagsisimula sa isang pahinang akala mong matagal mo nang nilampasan.

Baka Sa Susunod Na Pahina

₱1,020.00Price
Quantity
bottom of page