Search

INDUSTRIYA NG PAGLALATHALA SA PILIPINAS, AT KUNG PAANO MAILALATHALA ANG NILALAMAN NG IYONG AKDA

Sinulat ni Treena Millenas


Ang Publishing Industry sa Pilipinas ay palago na nang palago at masasabing isa sa matagumpay na gawain sa Pilipinas sa paglipas ng taon. Hindi ito mangyayari at maglalayog ng matayog kung wala ang mga taong isa sa pag-angat nito; mga manunulat, publishers, illustrators, literary agent at ang mga mambabasa. Isa ang libro sa masasabing malaking daan sa komunikasyon kagaya rin ng iba pang mga konteksto na naglalaman ng mga salita. Ito ay sa kadahilanang binibigyan nito ang mga mambabasa kung ano ang mga iniisip, paniniwala at panibagong kaalaman ng bawat manunulat.




Ayon sa National Book Development Board o NBDB, noong nakaraang mga taon bago maapektuhan ng pandemya ang Pilipinas; sa mas malaking sukat ng kontribusyon sa ekonomiya, nag-ambag ang industriya paglalathala ng 0.04% sa 2016 Gross Domestic Product (GDP) ng bansa na may kabuuang kita na PhP 6.19 bilyon. Ang NBDB ay ang responsible sa pagtataguyod ng patuloy na pag-unlad ng industriya ng paglalathala ng libro sa Pilipinas, na may aktibong partisipasyon ng ang pribadong sektor.


Bagaman maganda ang kinalabas ng Publishing Industry, sa nakalipas na dalawang taon kung saan umusbong ang COVID-19; malaki naman ang naging hadlang nito sa nakagawiang tradisyon sa paglalathala. Sapagkat, base kay Alvin J. Buenaventura,Executive Director ng Filipinas Copyright Licensing Society, Inc. (FILCOLS), ang industriya ng paglalathala ay nawalan ng minelaying P3.6 bilyon noong pandemya na taon 2020, higit sa kalahati ng P6 bilyong average na kita bago ang pre- COVID. Ang FILCOLS naman ay kinokolekta nito ang mga bayarin para sa mga may-akda at publisher.


Naging mabigat man ang balakid ng pandemya sa Industriya ng Paglalathala sa Pilipinas, hindi naman dito nahinto ang pagiging desidido ng mga manunulat na magtuloy. Sa makatutal, maraming manunulat ang sumibol at nakilala nitong pandemya mula sa Wattpad. Ang Wattpad ay isang pandaigdigang multiplatform entertainment company na may higit sa 65 milyong buwanang gumagamit sa buong mundo. Galing na mismo kay Allan Lau, CEO and Co-founder of Wattpad, nagpatuloy ang paglago nito sa Pilipinas na may 7 milyong mahigit na buwanang gumagamit. Dahil dito, ang Pilipinas ang nakahawak ng pangalawang pinakamalaking merkado sa Wattpad pagkatapos ng Estados Unidos.


Matik na alam na ng bawat manunulat na kailangan muna nilang magkaroon ng maraming mambabasa at followers bago mapansin ng mga kilalang Publishing House. Mahaba-habang proseso ang iyong gagawin upang makilala at gumawa ng pangalan dito. Pero ang tanong, handa na ba ang iyong libro para sa isang spotlight? Paano nga ba mapapansin ang laman ng iyong akda?


1. Mag edit ng Manuscript. Bago magpasa at magkaroon ng maraming mambabasa ang iyong akda, ugaliing itama ang mga grammatical errors, typos at mis-leading information para tiyak na pasado na sa susunod na proseso.


2. Ugaliing Mag-promote. Para mas lalong makilala, humalina sa Publishing House and Markets, magpakilala muna sa mambabasa upang malaman ang iyong akda. Karamihan sa Publishing House sa Pilipinas ay bumabase sa maraming Followers at ito ang kanilang ginagawang main focus. Kaya kung gusto mong maging tunay na libro na ang iyong ginagawa, make an effort to be known.


3. Gawing Presentable ang Book Cover at Synopsis. Kakambal ito nang pagpro-promote, gumawa ng eye catching Book Cover and Description. Nahahalina rin dito ang mga Publishing House, tumitingin sila kung may potential na sumikat ang isang libro.


4. Alamin ang Copyright Law. Bilang manunulat, responsible ka dapat na lahat ng ginagawa mo ay purong iyo at sayong pag-iisip.

At pang huli;


5. Huwag susuko, Kahit ilang beses na hindi tanggapin ang manuscript mo o hindi ka mapansin ng mga publishing house, huwag na huwag kang hihinto. May timing ang lahat, magtiwala lamang.

4 views0 comments