top of page
Search

10 TIPS KUNG PAANO TUMAAS ANG BENTA NG IYONG NALATHALANG LIBRO

Sinulat ni Treena Millenas



Karamihan na ata sa lahat ng manunulat ay pangarap na maging isang pisikal na libro ang kanilang mga akda. Subalit, alam naman natin kung ano ang maaaring mga hakbang upang marating ito at nasabi ko na ‘yon sa aking mga naunang artikulo. Gayunpaman, kung alam na ang grabeng hirap ng pagsusulat, alam din ba ng lahat na ito pa nga ang napakadaling gawin kaysa sa pag-aasikasong mailathala ito bilang isang pisikal na libro? Oo, nabasa mo itong tama, maliban sa pagtatapos ng isang storya; may mas hihirap pa rito at ito ang paglalathala ng librong ginugusto mong maging isang pisikal na libro.

Sa ganitong paraan, ngayong nasabi kong may mas mahirap pa sa pagtatapos ng storya, naitanong mo na ba ang mangyayari sa pagsisimulang maibenta ang isang libro matapos itong malathala? O kaya mo naman ito hindi naitanong sapagkat alam mo na ang mga kaganapan kung ito’y ibebenta mo na? Maliban sa mga nasabi kong katanungan, marami pa akong katanungang mag-uugnay sa’yo kung bakit ang pagpu-publish ng libro ang isa sa pinaka mahirap gawin para sa isang manunulat lalo na kung isasama na rito ang pagbebenta nito. Kung hindi ka gaano kilalang manunulat, tiyak na dapat tanungin mo ito sa sarili mo bago ka kumilos upang maipalayog ang marketing ng iyong published book. Kagaya na nga lang ng; Ano nga ba talaga ang mangyayari kung mailathala na ang iyong libro? Pagkatapos ba nitong maipublish ay doon na ito matatapos? May kailangan ka pa bang gawin kung ito’y naging isang pisikal na libro? At ang panghuli sa lahat; Paano ba dapat ang gagawin ng mga manunulat sa marketing at pagbebenta ng libro sa digital na panahon kagaya ngayon? Magiging mas madali ba rito o magiging doble hirap kagaya ng pagdi-display ng libro sa mga National Book Stores?

Para sa unang hakbang nitong aking artikulo, ugaliing huwag umasa sa magagandang salita, swerte o mga suporta ng mga kilala upang sundin ang tuntunin ng kamalayan para makabenta kaagad ng libro. Sa ganitong paraan, kung hindi ka ngayon isang sikat at kilalang influencer sa social media, maaaring pumalakda ang pagbebenta mo ng iyong libro kung hahawak ka lamang sa mga sinabi ko nung una. Hindi ka rin basta basta makakagawa ng maraming listahan para sa mga umorders online at aasahan ito’y magiging isang book bestseller dahil lang sa sarili mong nai-publish ito. Siguro roon lamang sa paniniwala mong magiging madali ang lahat sapagkat ibebenta mo lamang ito, ngunit paano na lang kung ang interest nila sa libro mo ay hindi ganon kahigpit?



Bilang manunulat, self published man o kinuha ng kilalang publishing house ang iyong mga akda ay nararapat lamang na kasama ka sa paglayog nitong maibili at maibenta. At sa aking artikulo ngayon, bibigyan kita ng sampung tips kung papaano magiging matagumpay ang magiging benta ng pisikal mong libro. Kaya kung ikaw ay isa sa mga manunulat, isang nagmemerkado sa isang publishing house, isang pampublikong nagbebenta, o sinumang naghahanap upang mapalayog ang pagbebenta ng mga libro, maraming mga kaalaman ang magtuturo sa inyo kung paano mapatagumpay ang inyong gawain. Dito, mayroong isang malawak na hanay ng mga taktika sa marketing ng libro na maaari mong gamitin upang palakihin ang pagkakalantad ng isang libro at maabot ang higit pang mga mambabasa. Mahalagang malaman mo ang mga tips na ito upang hindi na mamoblema pa sa susunod na ibebentang libro. Ang 10 tips na ibibigay ko sa inyo ay galing sa pinagsama-samang ideya at kaalaman na makokonekta sa pagmemerkado ng mga libro. Ang ilan sa mga ideyang ito ay maaaring makatulong na direktang mapataas ang mga benta ng libro, samantalang ang iba naman ay maaaring makatulong sa pagpapalawak ng iyong platform, na maaaring humantong sa mga benta sa hinaharap. Hindi lahat ng ideyang ito ay nalalapat sa lahat ng oras, at hinihikayat ka naming isaalang-alang ang epekto na maaaring magkaroon ng bawat isa bago magpasya kung saan ilalagay ang iyong oras. Ngunit umaasa akong ang mga ideya at kaalamang ito ay magbibigay sa iyo ng maraming opsyon kapag bubuo ng iyong sariling plano sa pagbebenta ng mga libro. Muli, bilang isang manunulat, ang bawat impormasyon na inyong mababasa ay katas ng aking kaalaman, nabasa at higit sa lahat; aking nasaliksik.


1. Gumawa ng Nakaka-enganyong Website ng May-Akda.

Ang isang manunulat na may isang published book ay nararapat lamang na mas lalong makilala hindi lamang sa writing platforms na kanyang pinagsusulatan kundi maski ang sarili niyang easy-access na Website. Dito malayang mailalagay ang mga achivements mo bilang manunulat, ang mga komento sa’yo ng mga mambabasa, mga paparating mo pang mga libro at siyempre, ang librong mismong ipinapalayog mo ang benta. Ang iyong site ay dapat na isang daan sa marketing na nagsisilbing hakbang ng lahat ng iyong online na aktibidad. Nararapat lamang na ang bawat impormasyon na ilalagay mo rito ay isang kaakit-akit sa mga mata ng mambabasa upang hindi ka lamang nila makilalang isang manunulat kundi baka magsilbi pa itong paraan upang mas bumenta ang nalathala mong libro.





2. Mag-link sa Iyong Mga Na-publish na Libro.

Gumawa ng sariling page sa facebook na nagli-link sa iyong mga librong nagawa upang gawing madali para sa mga mambabasa na matuklasan ang lahat ng mga pamagat na iyong isinulat. Kasama na rin dito ang iyong magiging pagkakakilanlan bilang isang manunulat na may ipinagbibiling isa sa iyong mga akda bilang isang pisikal na libro. Isama na rin dito ang mga larawan sa pabalat ng libro na nakakatakaw ng tingin, maikling deskripsyon ng istora, at mga link ng isang site kung saan maaaring mabili ang iyong libro at para mabili na rin ng mga mambabasa ang iyong mga aklat sa link na iyong ibinigay.



3. Ikalat Ang Iyong Mga Profile sa Social Media.

Kunin ang iyong username sa Facebook, Twitter, Instagram, Gmail at LinkedIn. Pagkatapos ay ilapag mo ito sa iyong writing platform, page at sariling site upang magkaroon ang mga interesado sa’yong bumili ng maaari nilang mapagtanungan sa pagbili. Dito pa lamang ay malalaman na nila kung ikaw ba ay isang katiwa-tiwalang manunulat o hindi. Sapagkat, ang mga mambabasa at ang mga taga pagbili ay gusto munang makumpirma kung tunay ngang ang manunulat ang konektado sa pagbebenta ng kanyang libro o hindi. Dahil sa panahon ngayon, talamak ang mga scammers at maski ang mga gawa ng iba ay pinagbibili sa murang halaga. Sa ganto ring estado ay magkakaroon ka ng pagkakataon upang ipromote ang iyong mga akda sa iyong social media at dito rin ay maaari mong ipagkalat na napublished na ang isa sa mga ito. Nararapat lamang na magkaroon sila ng access sa’yo at maenganyo lalong makilala ka. Para kung sakali mang muli kang magkakalibro ay malalaman at tatangkilikin nila kaagad.


4. Magsagawa ng Mga Reviews sa Mambabasa.

Isa ito sa mga madaling gawin sapagkat ang mga komento ng iyong ma mambabasa sa iyong isinusulat ay maaaring maging malaking tulong upang matangkilik din ito ng ibang mambabasa. Iba pa’rin ang atake ng pagkakaroon ng mambabasa na may magagandang komento sa iyong libro. Hayaan mo itong i-post at ipakalat sa iyong social medias, magbigay ng rason kung bakit ba nararapat tangkilikin ang iyong mga libro. Sa paraang ito, hindi lamang mauunawaan ang ganda at ang mensahe na gusto mong ibatid ng ibang mga mambabasa kundi baka ito pa ang maging isang daan upang mas lumago pa ang pagkakakilanlan mo bilang isang manunulat.

Alamin kung paano nakahanap ang iyong mga mambabasa ng mga bagong aklat na babasahin at gawin ang kanilang mga desisyon sa pagbili. Magdaragdag ito ng husay na kulay na makakatulong sa iyong maunawaan ang dami ng mga screenshot mula sa kanilang tugon. Magbibigay pa ito ng dahilan kung bakit nararapat kang magkaroon ng isang pisikal na librong galing mismo sa utak, pagod at talinong taglay mo.


5. Pag-isahin ang Mga Disenyo ng Pabalat sa Isang Serye.

Isa sa mga dahilan kung bakit nabibili ang isang libro ay dahil sa maganda nitong pabalat o Book Cover. Ang mga mamimili ng libro ay tumitingin sa kalidad ng pabalat at kung sila ay naenganyo rito ay matik na bibilhin na nila. Kung ikaw ay nakapag published ng isang serye ng libro, gumawa ng pare-parehong pagba-brand sa pagitan ng mga aklat sa isang serye upang gawing madali ang mga desisyon sa pagbili para sa mga mambabasa. Sa paraang ito ay madali rin nilang makikilala kung anong serye ang kanilang bibilhin. Lalo na kung sila’y nagandahan sa unang serye, matik na muli silang bibili para sa librong kasunod nito. Ang pinag-isang istilo ng pabalat at pamagat ay kadalasang nakakatulong sa mga mambabasa na makilala ang mga konektadong pamagat at hinihikayat silang bumili ng mga kasunod na aklat. Muling ilunsad ang isang aklat na may magandang pabalat at isunod ang mga ito ayon sa kanilang mga serye. Sa ganitong paraan, hindi lamang mabibili ang iyong unang libro kundi may maghihintay pa rito para sa mga susunod nitong serye na magiging isang pisikal na libro rin.


6. Mag-iwan ng Katanungan sa Mga Unang Pahina ng Libro

Gawing libre ang mga unang pahina ng iyong published book. Kagaya na lamang sa ginagawa ng ibang kilalang mga author sa Wattpad, in-unpublished nila ang kanilang akda na magiging isang pisikal na libro at muling pinublished sa limitadong pahina. Pag ang isang reader ay nabitin dito ay aalamin nito kung bakit hindi buo ang akdang ginawa ng manunulat at kung malamang ito’y published na ay literal na ito’y kanilang bibilhin upang ipagpatuloy ang pagbabasang naudlot. Wala rin itong kaibahan sa ginagawa ng Amazon, maaaring i-download ng mga user ang unang 10% ng isang libro nang libre o basahin ito on-site sa pamamagitan ng feature na “Look Inside”. Pagkatapos nito ay nagbibigay sila sa iyo ng pagkakataong makapuntos ng benta kung gusto ng mambabasa na magpatuloy pagkatapos ng sample. Malakas ang nagiging tactics nito sapagkat lumalaki ang curiosity ng isang mambabasa kung naudlot ito at gagawa talaga ng naturang paraan upang mapagpatuloy ang nasabing pagbabasa.


7. Magpamigay ng Sariling Libreng Libro.

Dito na ata lalabas ang katagang, “Pag-inggit, pikit” ng bawat mambabasa. Ang mga pamigay ng libro ay maaaring magkaroon ng iba't ibang anyo, kabilang ang mga blog tour o paligsahan sa iyong blog o Facebook page. Nagkakaroon ito ng malaking pagkop ng atensyon sa lahat hindi lamang galing sa mga taga hanga mo kundi pati na rin sa mga mambabasang gustong magkalibro. Ang pagbibigay ng mga libreng kopya sa iyong pinakatapat na mga tagahanga kapalit ng isang matapat na pagsusuri ay makakatulong sa isang bagong libro na makakuha ng traksyon, at gagantimpalaan sila nito para sa kanilang katapatan. Madidikit na rin sa gawaing ito ang mas lalong paglaki ng iyong mga taga suporta na mae-enganyo ring magkaroon ng sariling libro mo.


8. Mag-stream ng Facebook Live na Video Q&A.

Ang pag-stream ng live sa iyong Facebook ay magiging isang malaking hakbang upang mapromote mo ang iyong libro. Kapag nagsimula ka ng Facebook Live na video, ang mga taong nag-like sa iyong page ay makakatanggap ng notification na nagsi-stream ka nang live. Pagkatapos, libre ang video para mapanood ang sinuman sa iyong Facebook page, at makikita nila ang mga komentong papasok na parang nanonood sila nang live. Upang mas lumaki ang makakaalam sa iyong published book, mag-stream ng Facebook Live na video Q&A. Magkakaroon ka ng pagkakataon makausap ang mga sumusuporta sayo at sagutin ang mga katanunang konektado sa pagbebenta ng iyong libro. Sa pamamagitan ng pagli-live, hindi ka lamang makikilala kundi malalaman pa lalo ng iyong mga taga hanga at manonood kung ano ang aabangan nila sa published na librong inaalok mo sa kanilang lahat.


9. I-bundle Ang Unang Ilang Aklat sa Isang Serye.

Isama ang unang dalawa o tatlong aklat ng isang serye sa isang box set para mag-promote ng full-price na libro mamaya sa serye. Maaari itong maging isang mahusay na paraan upang maakit ang mga mambabasa at gawin silang mamuhunan sa mga karakter upang handa silang magbayad ng buong halaga upang malaman kung paano nagtatapos ang kuwento. I-promote ang susunod na aklat sa serye sa back matter ng box set at ipaalam na mas makakamura sila kung ito ang kanilang bibilhin. Ang pagbu-bundle ng isang libro ay napakalaking tactics na pumapatok sa mga mambabasa kaya nila ito binibili nang walang pag-aalinlangan.


10. Ipagpatuloy Ang Paglalathala ng mga Bagong Libro.

Upang likas na maging mabenta ang iyong published book at iba pang iyong sinusulat, sundan ito kaagad! Ang patuloy na pag-publish ng mga bagong libro ay makakatulong sa iyong makakuha ng mas malawak na audience na magiging interesado sa iba mo pang mga libro. Kung sila pa ay nagandahan sa naging una mong libro ay tiyak, hindi ka na mahihirapan pang ibenta ang mga kasunod. Basta ba kailangan mong mag-iwan ng marka sa kanila kung paano ka lalago bilang isang manunulat.


422 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page