top of page

"""Ang LAY�K ay isang dahong tuy�, walang halaga, wala nang saysay upang pukulan pa ng oras ng iba, iniipon at sinusunog, isasako at itatapon, Ito siguro ang dahilan kung bakit nakuha nito ang aking atensyon sa tuwing ako�y lumalakad, o minsan pag ako�y sumisilong. 

Naiisip ko tulad l�mang tayo ng mga dahong ito, mayabong at marikit, makinang at kaaya-aya, subalit darating din ang panahon na tayo�y matutuyo�t manghihina, bibitaw at lalaya madudurog at magpapaubaya. Mahahampas ng unos at kakalas ang mahihina, mananatili ang malalakas, subalit maglalakbay ang makakabitaw sa sapa, sa lawa, sa ilog o kahit sa imburnal.

Dahil hindi natatapos ang silbi nitong dahon sa kanilang kulay berde at palamuti sa mga sangga, mula sa pagiging DAHON ay makikilala na silang LAY�K na mas matatag at may malalim na silbi sa serkulo ng sansinukob, mula sa pagiging tuy� ay madudurog, magiging alikabok o putik na hahalo sa kalupaan upang magsimula ng panibagong buhay o binhi na mas matatag, mas matikas, at mas marikit.

KAYA KUNG AKO ANG TATANUNGIN AYAW KO MAGING ISANG BULAKLAK, DIYAMANTE O GINTO! MAS NANAISIN KONG MAGING LAY�K. WALANG SILBI SA MABABAW NA PANANAW NG IBA AT INAAKALANG WALANG HALAGA."""
 

Mga Lay�k Na Tula - Dust Jacket

SKU: DJAG2147
₱559.00Price
  • Leo Jamon Rosas
bottom of page