top of page
Sa wakas narito na ang pagkakataon ko para magkuwento at maglahad ng mga karanasan na kahapon ko lamang iniisip.�
Totoong hindi maikukubli na nagbabago ang panahon kalakip ng mga balakid na ating tinatamasa ngayon. 
Mahirap bumalik sa mga alaala na siyang nag-iwan sa atin ng mga bakas para matuto at matunghayan ang ating mga pagkatao. Kaya naman sa tinta at katha, nais kong lakbayin ang mga nakaraan na kahit lumipas ang panahon nadama ko ang mga pangyayaring ito na siyang nakaukit na sa akin. 
Madaling makatakas sa bawat nakaraan na tinipon ng bawat pagkakataon. Ngunit sadyang ipinipilit lamang natin ang ating mga sarili na bumalik sa bawat kahapon, kahit hindi na puwede. Kaya minsan hindi natin namamalayan, napag-iiwanan na tayo ng panahon. 
Kaya naman sa pagkakataong ito habang binabalikan ko ang bawat pahina na aking sinulat, totoong mahirap makatakas. Pero sa mga pangyayaring ito ay natuto akong maglahad ng katotohanan para matuklasan ko ang aking sarili. 
Kaya maniwala ka, dahil naniniwala ako na kaya mong harapin ang takot at pangamba sa bawat nagdaang araw at palagi mong tanggapin ang mga nakalipas na panahon at tuluyang mahalin ang kasalukuyan.
Magpatuloy ka.

Talasaysay ng isang Weirdong Makata sa Likod ng Pandemya - Dust Jacket

SKU: DJAG1973
₱559.00Price
  • Reymark T. Lubo
bottom of page