top of page
Kinasanayan na ni Cassandra ang pag-ikot lang ng buhay niya sa CASSENNE, ang jewelry business na itinayo nila ng kaibigang si Selene. Sa tingin naman niya ay hindi masama na ifocus ang buong oras niya sa trabaho niya lalo pa?t naeenjoy din naman niya ang pagdedesign ng mga jewelries and accessories, pero parati na lang siyang ineenganyo ng kaibigan na buhayin umano ang mga ?romantic nerves? niya sa katawan. Ito rin ang naging bukambibig sa kanya ng mga magulang nang sa wakas ay magbakasyon siya sa Cavite para sa gaganaping 12th high school reunion ng kanilang batch.
 Noong una ay nag-aalinlangan pa siyang umuwi at umattend sa nasabing reunion, panigurado kasi na naroroon din si Arthur Gomez, ang lalaking hinangaan niya ng lubos, minahal niya ng lihim, sinukuan at sa paglipas ng panahon, ay pilit kinalimutan.  Hindi niya alam kung anong magiging reaksyon kapag muli na niya itong nakaharap. Labis na ang sakit na naramdaman niya nang makita sa internet ang tungkol sa pagpapakasal nito at ang mga larawan na kuha sa kasal nito. Pero dahil na rin sa pamimilit ng mga kaibigan at pagka-miss niya sa magulang ay umuwi na rin siya.
 Ngunit ano nga kaya ang naghihintay sa pagbabalik niya?

I Secretly Love You - Dust Jacket

SKU: DJAG2218
₱559.00Price
  • Mawi
bottom of page